FIESTA: Oyster mushroom, sea cucumber ibinida ng ILAARRDEC

Ni NOLI C.LIWANAG

 
TAGUMPAY na ginanap sa University of Northern Philippines (UNP), Vigan City, Ilocos Sur noong Marso 13 hanggang 15, 2019 ang Uong-Balat (Oyster Mushroom and Sea Cucumber) FIESTA o Farm-Industry Encounters through the Science and Technology Agenda ng Department of Science and Technology-Philippine Council for Agriculture, Aquatic, and Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARRD) na pinamahalaan ng  Ilocos Agriculture and Aquatic Resources Research and Development Consortium (ILAARRDEC).

Ang 3-araw na okasyon ay may temang “Agri-aqua industry for sustainable growth and collective prosperity,” kung saan sa unang araw ng pagdiriwang ay ginanap ang motorcade, book launching “Success Stories of Farmer Cooperators ni ILAARRDEC knowledge management coordinator Prof. Love Grace  dC. Campano, kasunod ang ribbon cutting para sa mga exhibits. Ginanap din ang Creative Dance Showdown, Cookfest at Pottery Painting.

Kilala ang Ilocos Region (Region 1) sa mga produktong agrikultura lalo na sa tabako, at maging sa pangingisda at sa pag-aalaga ng hayop.

Ang Region 1 ay sumasakop sa apat na lalawigan – Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan na kilala rin sa paggawa ng iba’t ibang uri ng pagkain.

Layon ng programang FIESTA na imulat ang iba’t ibang komunidad sa pang-agrikulturang negosyo para sa karag-dagang pagkakakitaan ng mga magsasaka at mangingisda.

Nagsasagawa ng pagsubaybay at pagsusuri ang PCAARRD sa proyekto sa pamamagitan ng Technology Transfer and Promotion Division (TTPD), upang maisakatuparan ang mga programa ng mga consortium ng PCAARRD tulad ng ILAARRDEC, katuwang sa proyekto ang mga focal person ng Department of Agriculture Regional Field Office 1 (DA-RFO 1); Philippine Rice Research Institute (PhilRice); Department of Agriculture-Agricultural Training Institute (DA-ATI), Philippine Carabao Center (PCC), Philippine Fiber Dev. Authority (PhilFIDA), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR-R1), Bureau of Agricultural Research (DA-BAR), National Economic and Development Authority (NEDA), National Tobacco Administration (NTA),  at Department of Science and Technology (DOST-R1)

Katuwang din ang kinikilalang “The Heritage City of the Philippines” sa pamamahala ni Mayor Juan Carlo Medina.

Kaisa rin sa FIESTA ang mga SUCs tulad ng University of Northern Philippines (UNP), Ilocos Sur Polytechnic State College (ISPSC), Pangasinan State University (PSU), Don Mariano Marcos  Memorial State University (DMMMSU), Mariano Marcos State University (MMSU), North Luzon Philippine State College (NLPSC).
Malaki ang potensiyal sa pagne-negosyo ng oyster mushroom at patuloy na lumalakas bilang pangkabuhayan sa Region 1, na pinondohan ng PCAARRD ang proyekto.

Sinabi ni Dr. Melvin Carlos, deputy executive director for Administration, Resource Management and Support Services (DED-ARMSS), na sa PCAARRD specifically in Region 1, we are funded mushroom as part of S&T Frontline for Emergencies and Hazards (SAFE).

Ang proyekto ay pinamagatang “S&T Community-Based Farm for Oyster Mushroom Production as an Alternative Source of Livelihood in Disaster Vulnerable Areas of Region 1” at ipinatupad sa “umbrella program” ng SAFE.

Samantala, kung patuloy na gumaganda at nagkaka-interes ang mga magsasaka sa Oyster Mushroom, nakaaalarma naman ang kalagayan ng Sea Cucumber na endangered marine species na sa ating mga karagatan, at dapat na pagtuunang-pansin ng mga kinauukulan tulad ng pamahalaang lokal (LGUs) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) upang mapangalagaan ang mga lahi ng Holothuroidea.
Ang sitwasyon ng balat ay medyo sensitive, kumpara sa mushroom na kulang sa tao, kulang sa nagpo-produce, malaki ang market. Sa sea cucumber naman ang problema ay resources, ang solusyon ay hindi lang yung policy, kailangan din ng strict enforcement not only the gatherer also trader.

Sa enforcement, kakailanganing maipatupad ng mga LGUs lalung lalo na ang BFAR, at idagdag pa ang improve management, resource stewardship, enhance regulation, upang mapangalagaan ang mga paubos na sea cucumber at maalalayan ang mga mangingisda sa tamang panghuhuli ng balat. 

Ang malalaking Balat ay mataas ang presyo sa mga restaurant, bukod sa sea cucumber, mabili rin ang sea urchin. Bukod sa China at Taiwan, tumaas ang angkat ng sea urchin ng Japan. May 1,200 uri ng sea cucumbers sa buong mundo at 100 ay matatagpuan sa Pilipinas. May 30 uri ng sea cucumbers na inaani sa Pilipinas ang diretso sa mga restaurant sa Binondo; at mga bansa ng China, Taiwan at Japan.

Sa tala, umabot sa 1,100 metriko tonelada na ng sea cucumbers ang inani sa Pinas noong 2006, at tumaas sa mahigit apat na doble sumunod na mga taon at walang kumpletong estadistika rito ang gobyerno dahil sa hayagan at talamak na pagpuluslit.

Madaling ipuslit ang sea cucumbers dahil nailalabas ito ng pakonti-konti at hindi bultu-bulto. Noong 2006, ang Pinas ay ika-8 sa mga bansa na marami ang ibinebentang sea cucumber sa pandaigdigang palengke at restaurant.

Ang pinakamahal na uri ng sea cucumbers ay holothuria scabra at holothuria versicolor.
Bukod sa masarap, ang sea cucumber ay remedyo sa mga problema sa kalusugan: Sa sipon, presyon ng dugo, kolesterol, osteoarthritis, tendonitis, arthritis at ilang uri ng cancer. Tulad ng oyster mushroom ang sea cucumber ay sinasabing aphrodisiac din.

Comments

Popular posts from this blog

Progeny Hope ang solusyon sa mag-asawang hindi magkaanak

Dahilan kaya nag-aaway ang mga tao, alamin!

SAN MIGUEL BEERMEN VS MAGNOLIA HOTSHOTS