Progeny Hope ang solusyon sa mag-asawang hindi magkaanak
Ang pag-aasawa ay hindi laging happy ending, may pagkakataon talaga na sinusubok ang kanilang pagsasama. Sabihin man na abot langit ang kanilang pagmamahalan, may tendensiya pa rin na magkakalamat ang kanilang relasyon lalo na kung hindi sila makabuo ng anak. Para kasi sa magka-partner, ito ang pundasyon ng kanilang pagmamahalan o bigkis ng kanilang ugnayan. Kaya't talagang napakalaking pagsubok sa kanilang relasyon kung malalaman nilang hindi sila maaaring magkaanak. Gayunpaman, lahat naman ng suliranin ay mayroong solusyon at ito ay ang pag-aampon.
Ang tanong nga lang, kaya mo bang magmahal ng anak na hindi naman galing sa'yo? Madaling magsabi ng 'yes' pero, makakaya mo ba talaga itong panindigan? Kaya, kung gugustuhin mo talagang mag-ampon, kailangan mong pag-isipang mabuti. Hindi mo siya dapat gamitin lang para maging maayos ang pagsasama ninyong mag-asawa. Nararapat lamang na siya ay iyong aalagaan ang talagang pakakamamahalin.
Kung talagang nais mong magkaroon ng masayang pamilya, hindi siguro magiging mahirap sa'yo na gawin ito. Kayang-kaya mo itong gawin kung talagang gugustuhin mo. Sabi nga, ang pagmamahal para sa anak ay hindi lang nakabase sa pagiging magkadugo nila kundi sa relasyong kanilang mabubuo. Mayroon nga na kahit sabihin pang siya ay tunay na anak ng kanyang mga magulang pero hindi niya ito iginagalang.
Kaya, kung nais mo talagang mag-ampon, mag-adopt ka ng buong puso. 'Yung magagawa mo rin talagang mahalin siya kahit hindi siya galing sa'yo. Kung mamahalin mo siya ng buong puso, tiyak naman na mamahalin ka rin niyang pabalik. Alalahanin mo rin ang kanyang damdamin at huwag na huwag mo siyang ituturing na iba dahil magiging daan 'yan para lumayo ang loob niya sa'yo.
Kung alam mong marunong kang magmahal, huwag ka na mag-alala pa. Maigi pang ibigay mo na lamang pagmamahal mo sa isang batang nangangailangan din ng pag-aaruga at pagkalinga ng isang magulang.
Sige na, adopt ka na.

Comments
Post a Comment