Dahilan kaya nag-aaway ang mga tao, alamin!
Kulang sa komunikasyon - ito ang tunay na dahilan kaya maraming tao ang nag-aaway. Kabilang na rito ang mag-asawa, magkakapamilya, magkakaibigan o kahit sino pa man. Kung hindi kayo magkakaroon ng pagkakaunawaan, siguradong ang punta ninyo ay sa pagkakasira.
Kapag ang mag-asawa ay masyadong abala sa kani-kanilang trabaho, nawawalan na sila ng oras sa isa't-isa, hindi na nila nagagawang makapagkuwentuhan. Kaya naman ang susunod na nangyayari, magkakalayo ang kanilang loob dahil hindi na nila alam kung ano ang iniisip at nararamdaman ng isa't isa. Sabihin man na wala silang pinag-awayan, makakaramdam pa rin sila ng negativity kapag hindi sila nag-uusap.
Kaya, anuman ang nararamdaman ni mister o misis, kailangan naman ay alam ng isa't isa. Dahil kung hindi nila alam ang pinagdaraanan ng bawat isa, baka ang isipin nila ay nawawalan ng gana sa kanila ang kanilang kapareha. Kung ikaw ay mayroong asawa, kung nakikita mong nananahimik siya, huwag ka munang magdamdam. Hindi masama kung aalamin mo muna ang dahilan ng kanyang pinuproblema.
Kung ang mag-asawa nga ay nagkakasira dahil sa kakulangan sa komunikasyon, paano pa kaya ang magkakaibigan, magkakapatid, magkakapit-bahay o kung sinuman. Kaya, kung nais mong maging okay ang pagsasama mo kahit kaninuman, dapat lamang na maging okay ang inyong relasyon. Kung mayroong problema, pag-usapan agad.
Ikaw, gusto mo bang magkaroon ng maayos na relasyon sa mga taong malalapit sa'yo? Ipakita mo sa kanila kung gaano mo sila minamahal.

Comments
Post a Comment