Posts

Showing posts from June, 2019

Tips para sumikat ang ekstra

Image
Hindi porket lumalabas ka na sa telebisyon o pelikula, masasabi mong artista ka na. Kung wala ka naman kasing dialogue at sa isang eksena ka lang makikita, mas bagay pa rin sa'yo ang katawagang ekstra. Kung ibig mo naman itong mas pagandahin, ikaw ay tatawaging talent. Kung isa ka ng ekstra, dapat nga bang masiyahan ka na? Feeling mo ba, darating ang araw na magiging big star ka rin? Siyempre, nakahakbang ka na papasok sa Entertainment world kaya umaasa ka na isang araw ay mapapansin din ang kagandahan o kapogian mo? In fairness, marami namang celebrity na super sikat na ngayon kahit na nagsimula lang sa pag-ekstra-ekstra. Kabilang siyempre dito ang magkaibigang Vice Ganda at Coco Martin. Kaya, kung ikaw ay dakilang ekstra ngayon, huwag kang mawalan ng pag-asa. Malay mo makamtam mo rin ang kasikatan na inaasam mo. Kung talagang nais mong sumikat, may tips akong ibibigay sa'yo. Siguradong makakatulong ito para ikaw ay umangat sa larangan na iyong pinili. Una, tiyakin n...

Pinoy Pamahiin: Lamang lupa

by Maria Angela Gonzales Hindi man natin sila nakikita pero nagagawa pa rin nila tayong makasalamuha sa araw-araw. Ewan nga lang kung maituturing na masusuwerte ang mga may third eye dahil hindi nagiging imbisibol sa paningin nila ang iba’t ibang elemento tulad ng duwento, whte lady o lamang lupa na siyang bida sa artikulo natin ngayon. Mag-ingat ka! ‘Yan ang maipapayo ko sa’yo kung pupunta ka sa malalayo o masusukal na lugar. Kalimitan kasi, doon sila namumugad.Gayunpaman, maaari ring hindi mo na kailangan pang lumayo. May pagkakataon kasing naririyan lamang sila sa’yong paligid. Maaaring nasa bakuran mo o kaya naman ay nasa loob mismo ng iyong bahay. Sa Pinoy Pamahiin: Lamang-lupa ay magagawa kitang bigyan ng babala kaya huwag na huwag mo itong iisnabing basahin. Una, magsabi ng ‘tabi-tabi po’. Kahit na nasa sarili mo ikaw na lugar, huwag ka pa ring maging kampanteng dahil pagsapit ng dilim, hindi na lang ikaw ang naglalakad sa inyong bakuran. Kaya, importanteng m...

Kalayaan nga ba ang solusyon?

Image
MAGING malaya. 'Yan ang ibig ng bawat tao na nakakaranas ng kahigpitan ng ibang tao partikular na ang mga anak at empleyado. Idagdag na rin natin ang mga nilalang na nababalot sa karimlan at kalungkutan. Bawat isa sa atin ay may mga pinagdaraanan, nasa sa'yo na kung nais mong magpatuloy at huminto para sabihing tama na, gusto ko na lumaya. Ang mga tao na ito ay kalimitang nagpapakamatay dahil pakiramdam nila ay wala na talagang solusyon sa problemang kanilang kinasasadlakan. Kaya, ang mga nagmamahal sa kanila ay wala ng magawa kundi iyakan ang desisyon nilang iyon. Ako naman hindi ko naisipan ang magpakamatay, ang ibig ko lang nu'n ay makalaya sa kahigpitan ng parents ko. Para kasing napakasarap na umuwi ng hating gabi kasama ang kabarkada o boyfriend. Hayun, tuloy lumobo ang tiyan ko at sa huli, sa parents ko rin ako tumakbo. Nu'n kasing panahon na iyon ay wala pa akong trabaho at kung mayroon man, parang hindi pa rin akong ready maging ilaw ng tahanan. Mistulan ...