Kalayaan nga ba ang solusyon?

MAGING malaya. 'Yan ang ibig ng bawat tao na nakakaranas ng kahigpitan ng ibang tao partikular na ang mga anak at empleyado. Idagdag na rin natin ang mga nilalang na nababalot sa karimlan at kalungkutan.

Bawat isa sa atin ay may mga pinagdaraanan, nasa sa'yo na kung nais mong magpatuloy at huminto para sabihing tama na, gusto ko na lumaya. Ang mga tao na ito ay kalimitang nagpapakamatay dahil pakiramdam nila ay wala na talagang solusyon sa problemang kanilang kinasasadlakan. Kaya, ang mga nagmamahal sa kanila ay wala ng magawa kundi iyakan ang desisyon nilang iyon.

Ako naman hindi ko naisipan ang magpakamatay, ang ibig ko lang nu'n ay makalaya sa kahigpitan ng parents ko. Para kasing napakasarap na umuwi ng hating gabi kasama ang kabarkada o boyfriend. Hayun, tuloy lumobo ang tiyan ko at sa huli, sa parents ko rin ako tumakbo. Nu'n kasing panahon na iyon ay wala pa akong trabaho at kung mayroon man, parang hindi pa rin akong ready maging ilaw ng tahanan. Mistulan lang kasi akong pundidong bumbilya. Kaya, mas minabuti ka ng makulong na lang uli sa mala-presong tahanan kung saan ako ang prinsesa.

Kaya, kung ikaw ay may planong maging malaya sa anumang bagay, makabubuting pag-isipan mo muna ng kung ilang milyong beses dahil kapag nagkamali ka ng desisyon, malaki ang tendensiya na masisira o makakasira ka ng buhay. Kaya, kaysa ambisyunin mo na ang maging malaya gayung hindi ka pa talaga handa, ang payo ko sa'yo, go on with the flow. Mag-enjoy ka muna sa'yong buhay kapiling ang mga taong tunay na nagmamahal sa'yo.

Para sa mga anak, tandaan mong walang matinong magulang na ibig na mapahamak ang kanilang anak. Kaya, kung hinihigpitan ka man nila iyon ay para rin sa'yong kabutihan. Maaari kasing natatakot silang magkamali ka sa'yong pagdedesisyon at maging daan 'yan para mabago ang iyong buhay.

Sa mga tao namang nakakaramdam ng panghihina, makabubuting lumapit kayo sa mga taong mapagkakatiwalaan para ang anumang negatibong nasa iyong isipan ay bigla na lamang mapalis. Lakasan mo lamang ang iyon loob.

Comments

Popular posts from this blog

Progeny Hope ang solusyon sa mag-asawang hindi magkaanak

Dahilan kaya nag-aaway ang mga tao, alamin!

SAN MIGUEL BEERMEN VS MAGNOLIA HOTSHOTS