Alamin ang dahilan ng patuloy na pagsikat ni Vice Ganda
Bago ko pa man nagustuhan si Vice Ganda bilang host at komedyante, napag-alaman ko na iisang eskuwelahan lang ang aming pinaggalingan. Kapwa kami nagtapos sa Borrio Obrero Elementary School. Kahit na hindi kami nag-abot dahil ahead siya sa akin ng ilang taon, nakatutuwa pa ring isipin na iisang paaralan lang kami nu'ng aming kabataan. Para kasing sinasabi nito na kahit na maaaring magbago ang katayuan mo sa buhay kung magiging masikap at matiyaga ka lamang at iyon ang ginawa ni Vice Ganda o Jose Marie Viceral sa tunay na buhay. Bukod doon, kailangan mo ring lumingon sa iyong pinangalingan.
Sa kahit na anong pagkakataon ay never na ikinahiya ni Vice ang kanyang pinangalingan. Tuwina, proud na proud pa siya kapag sinasabi niyang siya ay taga-Tambunting, nagtapos ng elementarya sa BOES at highschool sa Calderon. Nang mag-kolehiyo siya ay doon din sa eskuwelahang aking pinangalingan - sa Far Eastern University, kung saan naging Dean ang aking ama.
Malaki ang paniniwala ko na kaya patuloy ang pagsikat ni Vice ay dahil sa hindi niya ikinahihiya kung saan siya nanggaling. Seryoso man o kakenkuyan ang usapan, nakukuwento pa rin niya ang kanyang mga pinagdaanan niya. Tapos, hindi rin niya nakakalimutang ibahagi sa ibang tao ang kanyang mga pinaghirapan.
Kaya naman sana lamang ay patuloy ang pag-angat ni Vice Ganda, hindi lamang para marami pa siyang matulungan kundi para siya ay makapagpasaya ng husto. 'Yun nga lang, hindi naman porke tumatawa siya ay masaya na siyang talaga. Lagi naman kasi niyang sinasabi kahit pabiro ang mga sakit na nararamdaman niya kapag niloloko siya ng mga lalaking minamahal niya. Ang dalangin ko sa kanya ay matagpuan niya ang taong tunay na magmamahal sa kanya.
Ngunit sa ngayon, ikinagagalak ko pati na rin ng maraming tao, na makita araw-araw si Vice Ganda sa It's Showtime.

Comments
Post a Comment