Tips para sumikat ang ekstra
Hindi porket lumalabas ka na sa telebisyon o pelikula, masasabi mong artista ka na. Kung wala ka naman kasing dialogue at sa isang eksena ka lang makikita, mas bagay pa rin sa'yo ang katawagang ekstra. Kung ibig mo naman itong mas pagandahin, ikaw ay tatawaging talent.
Kung isa ka ng ekstra, dapat nga bang masiyahan ka na? Feeling mo ba, darating ang araw na magiging big star ka rin? Siyempre, nakahakbang ka na papasok sa Entertainment world kaya umaasa ka na isang araw ay mapapansin din ang kagandahan o kapogian mo?
In fairness, marami namang celebrity na super sikat na ngayon kahit na nagsimula lang sa pag-ekstra-ekstra. Kabilang siyempre dito ang magkaibigang Vice Ganda at Coco Martin. Kaya, kung ikaw ay dakilang ekstra ngayon, huwag kang mawalan ng pag-asa. Malay mo makamtam mo rin ang kasikatan na inaasam mo.
Kung talagang nais mong sumikat, may tips akong ibibigay sa'yo. Siguradong makakatulong ito para ikaw ay umangat sa larangan na iyong pinili.
Una, tiyakin na may ibubuga ka sa pag-arte. Hindi maaari 'yung maganda lang ang hitsura mo dahil kahit gaano ka pa kaganda o kaguwapo, kung sablay ka naman sa pag-arte, pagtatawanan ka lang. Makabubuti rin siyempre kung magwu-workshop ka. Sa pamamagitan ng acting workshop, siguradong gagaling din ang iyong pag-arte.
Pangalawa, maging mapagkumbaba. Tandaan mo, ekstra ka pa lang. Huwag kang mag-feeling sikat. Matuto kang makisama sa'yong mga katrabaho. May mga sikat na artista na bumabagsak din kung hindi sila marunong makisama. Dapat, palaging professional ka.
Pangatlo, alagaan mong mabuti ang iyong sarili. Kung ikaw ay lalabas sa pelikula at telebisyo, huwag na huwag mo hayan na may makikita sila na maaaring maipintas sa'yo. Dapat ay laging magandang iyong tindig at pananalita Hindi rin maaari iyong may dumi silang makikita sa'yong mukha o anumang parte ng iyong katawan, sigurado na gagawan ka ng isyu ng mga taong mahilig magpabagsak.
O, ano, isa ka nga bang ekstra? Aba, sundin mo ang tips kong ito at sure na sure na gaganda ang kapalaran mo sa pag-aartista.

Comments
Post a Comment