Ang kalokohan ko nang bata ako
Nu'ng bata ako, pangarap kong maging miyembro ng Mask Man kaya naman ginusto kong kayahin 'yung ginagawa nila. Siyempre, ang pagtalon sa matataas na lugar. Nagawa kong talunin ang bakot namin kaya gusto ko sanang sunod na tumalon sa bubong. Nang makaakyat ako sa bubong, ready ko na sanang subukan kaso nakita ako ng kuya ko. Ayun, hindi rin natuloy ang balak ko.
Naku, kung sinubukan kong gawin iyon, malamang nasa ilalim na ako ng lupa. Gaya nu'ng minsan tularan ko ang batang star margarine na tumakbo sa kalsada. Hindi ko napansin na mayroon parang kotseng parating. Mabuti na lang nakapag-preno siya. Kung hindi, malamang nabanga ako, tumalsik sa kalsada na duguan. Ngunit, hindi iyon nangyari. Kaya lang, sumakit ang ulo ko sa kakasabunot sa akin ni Ate na hindi ko malaman kung natutuwa, nagagalit o nag-aalala. Siguro nga ay sabay-sabay niya iyong naramdaman.
Bunso ako sa apat na magkakapatid kaya naman wala na akong kalaro. Ngunit, sabi nga, may paraan naman ang lahat ng bagay kung gusto mo talaga ng kalaro. 'Yun nga lang, mahirap mag-chess ng mag-isa. Kaya naman, binabalingan ko na lang na kalaruin ang mga aso namin. 'Yun nga lang, para makipaglaro sila ng taguan. Kailangang may tinapay ako. Hayun, naubos ang apat na monay na binigay ng Ninang ko.
Nu'n namang nasa Grade 6 na ako, mga kaklase ko ay mayroon ng crush-crush. Siyempre gusto ko mayroon ding nagkaka-crush sa akin kaya sinulatan ko ang sarili ko. Gumawa ako ng loveletter para sa aking sarili. Aba, akalain mo bang nakita ni Mommy at inakala niya na may nagpadala sa akin ng letter. Kunsabagay, mayroon pang nakalagay na Mike E. sa labas ng sulat. Crush ko kasi si Raymart Santiago nu'n na lumabas na Michael Angelo sa Estudyante Blues tapos E. naman dahil gusto ko rin si Andrew E.
Pero, ang hindi ko makakalimutang ginawa ko nu'ng bata ako ay 'yung naligo ako kahit may sakit na ako. Gusto ko kasing sumama kay Mommy na pupunta sa Despidida ni Tita Bening, mayroon daw kasing lechon. Dahil sa ginawa ko, hindi rin ako nakapunta dahil bigla na lang tumirik ang mata ko. Lumabas pa nga raw ang dila ko at naging maitim na maitim na ako. Buong akala nilang lahat ay maggu-goodbye na ako sa mundong ito. Pero, hindi nangyari kahit na umakyat na ako sa napakataas na hagdan.
Isang lalaki ang sumalubong sa akin para sabihing kailangan kong bumaba. Matigas ang ulo ko at ayaw ko sana siyang sundin kaso lang tinulak pa rin niya ako at nagising akong nasa UST Hospital na.
Hay, maraming taon na ang lumipas pero hindi ko pa rin malimutan kaya ibinahagi ko rito sa Pinoy Confession. Salamat sa pagbasa sa Pinoy Pahayagan.

Comments
Post a Comment