Pinoy Horoscope Marso 24 2019

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON Marso 24 2019Linggo –  Huwag umasa palagi sa tulong ng iba. Tulungan mo rin ang iyong sarili. Masuwerte ka sa kulay asul. Mapalad ka sa mga numerong 4, 12, 14, 16, 18, 23, 25.

ARIES  (Marso 21 – April 19) - Mahalin mo ang mga taong nagmamahal sa’yo. Huwag na huwag mo sasaktan ang kanilang kalooban. Masuwerteng kulay itim. Mapalad na numero 3, 8, 15, 24, 25, 28.
TAURUS  (April 20 – Mayo 20) - Ikaw lang ang makapagdedesisyon ng dapat mong gawin. Mag-isip kang mabuti at pagkatiwalaan ang iyong sarili. Huwag makikinig sa pambubuyo ng iba. Masuwerte ka sa kulay violet. Mapalad ka sa mga numerong  13, 14, 15, 20, 21, 22.
GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) - suwerte ka dahil kahit matanda ka na, hindi ka pa iniiwanan ng anghel dela guwardiya mo. Lagi ka tuloy nakakaligtas sa kapahamakan. Maging maligaya sa pagpili ng mamahalin. . Masuwerte ka sa kulay puti. Mapalad ka sa mga numerong 11, 14, 17, 20, 21, 29.
CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) - Huwag mainip. Ang tagumpay ay makukuha sa takdang panahon.  Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 2, 4, 8, 19, 21, 27.
LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) - Huwag kang masyadong maingay, nakakairita. Magiging dahilan pa ‘yan ng iyong kapahamakan.  Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 18, 23, 27,  28, 31, 45.
VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) - Mag-ingat sa mga salitang bibitawan. Iwasang makasakit para hindi malasin.  Masuwerteng numero 14, 16, 34,  36, 39, 40.
LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) - Maging matatag ka sa bawat pagsubok na darating. Huwag kang susuko. Sa huli, makakamtan mo ang labis na kaligayahan.  Mapalad na kulay ang brown. Masuwerteng numero  12,  2324, 25, 27, 33.   
SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) - Bago ka magmahal, mahalin mo muna ang iyong sarili. Kung hindi, lagi ka lang luluha dahil sa kabiguan.  Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  13, 15, 28, 29, 37, 42.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) - Huwag masyadong magtitiwala dahil magsisisi ka sa huli. Hindi lahat ng nakakasalamuha mo ay may mabuting intensyon sa’yo. Mapalad na kulay ang berde. Masuwerteng numero 2, 3, 11, 20, 23, 30.
CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) - Mag-ingat ka palagi dahil laging nakasunod sa’yo ang kapahamakan. Iwasan ang matutulis na bagay.  Mapalad ang kulay na orange.  Masuwerteng numero 1, 10, 12, 17, 22, 24.
AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) -  Maging masaya ka sa mga bagay na natatanggap mo. Mapalad na kulay ang pula.  Masuwerteng numero  6, 14, 20, 21, 26, 30.
PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) -  Huwag mong patulan ang mga nanunukso sa’yo. Maigi pang ipanalangin mo na lang sila dahil sa takdang araw sila ay mapaparusahan. Mapalad ang kulay na asul. Masuwerteng numero  6, 8,15 29, 33, 35.    





Comments

Popular posts from this blog

Progeny Hope ang solusyon sa mag-asawang hindi magkaanak

SAN MIGUEL BEERMEN VS MAGNOLIA HOTSHOTS

Dahilan kaya nag-aaway ang mga tao, alamin!