SAN MIGUEL BEERMEN VS MAGNOLIA HOTSHOTS
Ni NOLI C. LIWANAG
MAHABA-HABA ang naging pahinga ng San Miguel Beermen matapos talunin ang Phoenix Pulse Fuel Masters sa best of seven semifinals series ng PBA Philippine Cup noong Abril 25, sa Cuneta Astrodome, Pasay City.
Hindi napigil ang Beermen para makapasok sa finals ng Philippine Cup matapos talunin ang Fuel Masters, 105-94. Ito ang pang-limang sunod na pag-abante ng San Miguel sa finals ng makuha ang 4-1 sa serye ng semifinals.
Sinabi ni San Miguel coach Leo Austria na mahalaga ang kanilang panalo at hindi siya binigo ng kaniyang mga manlalaro.
Nanguna sa panalo si Chris Ross na nagtala ng 24 points habang mayroong 22 points si Alex Cabagnot.
Makakalaban ng San Miguel Beer ang Magnolia Hotshots Pambansang manok sa Best-of-Seven Finals ng PBA 43rd Season.

GAME 7 DO-OR-DIE: Matinding laban ng Magnolia vs Rain or Shine upang makapasok sa finals ng PBA Philippine Cup, na haharap sa San Miguel Beermen. (LEO D. LACA) |
Matapos burahin ng Pambansang Manok ang Rain or Shine Elasto Painter sa do-or-die Game 7 sa score na 63-60 na ginanap noong Abril 28, sa SM Mall of Asia (MOA) Arena, Pasay City.
Umabot pa sa overtime game ang matinding laban ng dalawang team bago tuluyang umakyat sa finals ang Magnolia.
Maghaharap ang Hotshots at Beermen sa Best of Seven finals ng Honda PBA Philippine Cup na gaganapin ang Game 1 sa May 1, 2019 sa Smart Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.
Scores:
Magnolia 63 - Sangalang 11, Lee 11, Ramos 9, Reavis 8, Barroca 7, Dela Rosa 6, Brondial 5, Jalalon 3, Melton 3, Herndon 0.
Rain or Shine 60 - Yap 14, Norwood 11, Ponferada 9, Belga 7, Ahanmisi 7, Nambatac 5, Mocon 3, Borboran 2, Rosales 2, Torres 0, Daquioag 0
Comments
Post a Comment