Tips para hindi ma-brokenhearted

Masakit ang mabigo sa pag-ibig, ngunit hindi lamang iilan ang nakakaranas nito, kundi bilyon-bilyon. Saan ka man naroroong panig ng mundo, anuman ang hitsura at katayuan mo sa buhay, hindi ka makakaligtas sa kasawian. Mistulang paminta na dinidikdik ang puso mo ng almires kapag para kang basahang iniwan ng  taong mahal na mahal mo.

Ikaw, nais mo rin bang maranasan ang mabigo? Kung sasabihin mong ayoko, may ilang tips akong ibibigay sa'yo para maiwasan mong ma-brokenhearted.


Una, makinig ka sa mga magulang mo. Huwag mo susuwayin ang mga magulang mo kapag sinabi nilang bawal ka pang makipag-boyfriend. Hindi naman ibig sabihin nu'n ay gusto nilang hadlangan ang iyong kaligayahan. Maaari kasing masyado ka pang bata kaya ayaw pa nila na makipagrelasyon ka. Kung paiiralin mo kasi palagi ang iyong emosyon,baka lumobo ang tiyan mo ng wala sa oras.

Pangalawa, kilalanin mo ang taong mamahalin mo. Hindi porke siya ay maganda o guwapo, mabuti na siyang tao. Importante rin siyempre iyong magkasundo kayo. Kung lagi lang kasi kayong mag-aaway o magtatalo, huwag mong asahan na magkakaroon kayo ng happy ending, Baka nga kalunos-lunos na ending lamang ang mangyari.

Pangatlo, mas mahalin mo ang iyong sarili kaysa sa taong mamahalin mo. Ito ang pinakamabisang paraan upang maprotektahan mo ang iyong sarili sa pagluha. Kung siya kasi ang higit mong mamahalin, magiging sunud-sunuran ka lang sa kanya. Hindi dapat ganoon ang mangyari. Mas maigi siyempre kung mas mahal mo ang iyong sarili para kapag nakagawa siya ng kasalanan ay magiging madali sa'yo na pawalan siya.

O, kaya mo ba itong gawin? Salamat sa pagbasa sa Pinoy Pahayagan at sa artikulong Tips para hindi ma-broken hearted.

Comments

Popular posts from this blog

Progeny Hope ang solusyon sa mag-asawang hindi magkaanak

Dahilan kaya nag-aaway ang mga tao, alamin!

SAN MIGUEL BEERMEN VS MAGNOLIA HOTSHOTS