Alamin ang mga kabutihang dulot ng pag-aampon

Ang pag-ibig ay hindi lamang nagtatapos sa kasal kaya't hindi ka pa rin makakasiguro kung kayo nga ba ay magkakaroon ng happy ending. Katunayan nga, iyon pa lang ang simula ng katakut-takot na pagsubok na darating sa inyong buhay. Sa pagsasama niyo kasing iyon ninyo malalaman ang tunay na ugali ng isa't isa. Doon din ninyo makikita ang kahinaan ng bawat isa na makakapagpa-turn off sa inyo.
Ang goal talaga ng mag-asawa ay makabuo ng pamilya. Magkaroon ng anak. Kaya nga lang, hindi naman lahat ng magustuhan natin ay mangyayari. May pagkakataon na hindi ibinibigay sa atin ang mga bagay na gustung-gusto natin. Hindi dahil sa nais tayong pahirapan ni Lord kundi dahil may iba siyang plano at iyon ay maaari ang ang pag-aampon.
Sa mata ng marami, kalokohan lamang ang pag-aampon. Ang agad kasi nilang iisipin, bakit kailangang mag-alaga at magmahal ng hindi kadugo. Tama naman sila pero bago mo sila pakinggan, kailangan mo ring isipin ang kabutihang idudulot ng pag-aampon.

Una, para mabigyan katuparan ang pangarap na hindi matutupad. Kung hindi nga kayo magkakaanak na mag-asawa gawin na lamang ninyo ang option na pag-aampon kaysa naman kapag nakikita ninyo ang isa't isa ay ang papasok sa isipan ninyo ay ang pagkukulang ng isa't isa. Kung babae ang may diprensya, siguradong pambabae ang magiging solusyon ni mister. Kung lalaki naman ang hindi magkakaanak, magkakaroon siya ng depresyon. Kaya, mabuti pang kumuha na lang kayo ng lakas sa isa't isa para malampasan ninyo ang mga pagsubok.
Pangalawa, magiging masaya ang pagsasama ninyo. Hindi mo man siya kadugo pero hindi mo magagawang pigilan ang labis na kasiyahan kapag nakita mo siyang humahagikgik, kapag tinawag ka na niyang "daddy' o 'Mommy'. Hindi man siya galing sa'yo, magagawa mo siyang mahalin na para bang isang tunay na anak.
Pangatlo, suwerte ang pag-aampon. Kapag daw nagmahal ka ng batang hindi mo naman kaanu-ano, ibig sabihin, handa ka na talagang magkapamilya. Handa ka na talaga sa isang responsibilidad. At dahil dito ay mabibigyan ka ng gantimpala na makukuha mo sa takdang oras. Siyempre ito ay ang pagkakaroon ng anak.
Kaya, kung gusto mong mangyari ang alinman sa mga ito o kaya lahat ng ito ay mangyari, gawin mo na ang nararapat. Mag-ampon ka na.

Comments

Popular posts from this blog

Progeny Hope ang solusyon sa mag-asawang hindi magkaanak

Dahilan kaya nag-aaway ang mga tao, alamin!

SAN MIGUEL BEERMEN VS MAGNOLIA HOTSHOTS