Pinatunayan ang galing: Enchong Dee, ikatlong milyonaryo ng Minute to Win It

Huli man at magaling, nagwawagi pa rin. Ito ang pinatunayan ni Enchone Dee ng mapagwagian niya ang isang milyon sa programa ni Luis Manzano na Minute to Win It. Kahit kasi nu'ng mga nakaraang araw ay natatalo siya, sa huling araw ng pagkuha ng Last Man Standing ay nagwagi siya kaya naman nagawa siyang makapasok para maglaban sa Ultimate Last Man Standing.

Sa huling araw na ito ay pinatunayan niya ang kanyang galing kaya lahat ng pagsubok ay kanyang nalampasan. Sinabi rin niya na kaya niya nagawang matapos ang bawat game ay dahil humingi siya ng tulong kay Lord. Ang larong Don't blow the Joker ay isa sa pinakamahirap na laro, ayon na rin sa host na si Luis. Ngunit, nagawa pa rin itong mapagtagumpayan ni Enchong kahit iilang segundo na lamang ang natitira sa kanya.

Sa season na ito, si Enchong Dee ang naging ikatlong Milyonaryo sa Minute to Win It, kaya naman talagang nakakatuwang paroorin ang kanyang pagkapanalo. Kaya, panoorin po ninyo ito. https://www.youtube.com/watch?v=O2HbZDQYc38&feature=youtu.be

Comments

Popular posts from this blog

Progeny Hope ang solusyon sa mag-asawang hindi magkaanak

SAN MIGUEL BEERMEN VS MAGNOLIA HOTSHOTS

Dahilan kaya nag-aaway ang mga tao, alamin!