PBA Philippine Cup semifinals Game 3: PHOENIX PULSE WAGI SA SAN MIGUEL

Ni NOLI C. LIWANAG
 
NATAPOS na ang five-day break ng Philippine Basketball Association (PBA) dahil sa paggunita sa Mahal na Araw kung saan sa mismong gabi ng Easter Sunday ay nagpatuloy ang  Phoenix Pulse Fuel Masters at San Miguel Beermen sa Philippine Cup semifinals duel.
Matinding arangkada ang ginawa ng nagkakaisang Phoenix Pulse Fuel Masters na nakakuha na ng isang panalo sa defending champion San Miguel Beermen sa pagpapatuloy ng PBA Philippine Cup na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Abril 21. (Mga larawan ni MAX FERRER)

Lumilipad pa ang Phoenix Pulse sa pagkakapanalo sa Game 3 semifinals series ng Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum noong Linggo, April 21.
Nanalo ang Fuel Masters kontra Beermen sa score na 92-90.
Nalusutan ng Phoenix Pulse ang matinding depensa ng San Miguel  para makuha ang unang panalo kung saan naging bida si Matthew Wright ng basagin nito ang 86-86 para maitala 1-2 sa best of seven semifinals na lamang pa ang Beermen.
Kapwa nagtala ng 18 points sina Calvin Abueva at Wright.
Labis ang paghanga ni Phoenix coach Louie Alas sa kaniyang mga manlalaro dahil sa matinding lakas na ipinamalas ng mga Fuel Masters.
Scores:
Phoenix 92 - Abueva 18, Wright 18, Chua 15, Jazul 14, Perkins 8, Intal 8, Kramer 5, Revilla 4, Mallari 2, Napoles 0, Mendoza 0, Dennison 0, Guevarra 0.
San Miguel 90 - Fajardo 22, Cabagnot 18, Romeo 16, Standhardinger 16, Ross 8, Pessumal 3, Santos 3, Rosser 2, Nabong 2, Zamar 0, Tubid 0.

 

Comments

Popular posts from this blog

Progeny Hope ang solusyon sa mag-asawang hindi magkaanak

SAN MIGUEL BEERMEN VS MAGNOLIA HOTSHOTS

Dahilan kaya nag-aaway ang mga tao, alamin!