Punta na sa Baler, Aurora sa Abril 25-26, 2019: GOAT FIESTA & 2nd MEAT FESTIVAL, GAGANAPIN


Ni NOLI C. LIWANAG

FIESTA na namang muli!
Makisaya sa pagdiriwang ng Central Luzon Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development Consortium (CLAARRDEC) Goat FIESTA (Farms and Industry Encounters through the Science and Technology Agenda) and 2nd Meat Festival! na gaganapin sa Abril 25-26, 2019 sa Provincial Capitol Grounds, Barangay Suklayin, Baler, Aurora.
FIESTA na namang muli! Tara nang makisaya sa Goat FIESTA & 2nd Meat Festival!

Sa pamamagitan ng Department of Science and Technology-Philippine Council for Agriculture, Aquatic, and Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARRD), naisasakatuparan sa bawat consortia ng PCAARRD sa buong bansa ang kakaibang selebrasyon ng FIESTA.
Sa pagkakataong ito, ang CLAARRDEC ay darayo sa tinaguriang “The Birthplace of Philippine Surfing” at ibibida ang Goat FIESTA.
Kapana-panabik na matutunghayan sa okasyon ang Goat Products Exhibit, Goat Pen Competition, Technology Pitching, Goat Show, Meat Processing Competition, On-The-Spot Poster Making Contest, Dinner and Socialization featuring Penny Lanes, AgriSarap A Chevon-Based Culinary Arts Festival, Palarong Kambing, at Goat Raisers Success Stories.
Kaya’t punta na sa lalawigang tinaguriang One Destination, Gateway to the Pacific at sama-samang dumalo, makinig at matuto tungkol sa pag-aalaga ng kambing at pagpo-proseso ng iba't ibang uri ng karne!
Ang Goat FIESTA & 2nd Meat Festival! ay inihahandog ng Provincial Government of Aurora, Provincial Veterinary Office of Aurora, CLAARRDEC, DOST-PCAARRD, CLSU-Small Ruminant Center at ATI III.
Matatandaang, ginanap noong Nobyembre 21-22, 2018 sa Peoples’ Center, Capitol grounds, Balanga City, Bataan ang Goat FIESTA 2018 kung saan panauhing pandangal si Dr. Melvin B. Carlos, DOST-PCAARRD Deputy Executive Director for Administration, Resource Management and Support Services (DED-ARMSS), na dinaluhan din nina Senator Jinggoy Estrada, Ilocos Norte Governor Imee R. Marcos at Bataan Governor Albert T. Garcia.













Comments

Popular posts from this blog

Progeny Hope ang solusyon sa mag-asawang hindi magkaanak

Dahilan kaya nag-aaway ang mga tao, alamin!

SAN MIGUEL BEERMEN VS MAGNOLIA HOTSHOTS