Posts

Tips para sumikat ang ekstra

Image
Hindi porket lumalabas ka na sa telebisyon o pelikula, masasabi mong artista ka na. Kung wala ka naman kasing dialogue at sa isang eksena ka lang makikita, mas bagay pa rin sa'yo ang katawagang ekstra. Kung ibig mo naman itong mas pagandahin, ikaw ay tatawaging talent. Kung isa ka ng ekstra, dapat nga bang masiyahan ka na? Feeling mo ba, darating ang araw na magiging big star ka rin? Siyempre, nakahakbang ka na papasok sa Entertainment world kaya umaasa ka na isang araw ay mapapansin din ang kagandahan o kapogian mo? In fairness, marami namang celebrity na super sikat na ngayon kahit na nagsimula lang sa pag-ekstra-ekstra. Kabilang siyempre dito ang magkaibigang Vice Ganda at Coco Martin. Kaya, kung ikaw ay dakilang ekstra ngayon, huwag kang mawalan ng pag-asa. Malay mo makamtam mo rin ang kasikatan na inaasam mo. Kung talagang nais mong sumikat, may tips akong ibibigay sa'yo. Siguradong makakatulong ito para ikaw ay umangat sa larangan na iyong pinili. Una, tiyakin n...

Pinoy Pamahiin: Lamang lupa

by Maria Angela Gonzales Hindi man natin sila nakikita pero nagagawa pa rin nila tayong makasalamuha sa araw-araw. Ewan nga lang kung maituturing na masusuwerte ang mga may third eye dahil hindi nagiging imbisibol sa paningin nila ang iba’t ibang elemento tulad ng duwento, whte lady o lamang lupa na siyang bida sa artikulo natin ngayon. Mag-ingat ka! ‘Yan ang maipapayo ko sa’yo kung pupunta ka sa malalayo o masusukal na lugar. Kalimitan kasi, doon sila namumugad.Gayunpaman, maaari ring hindi mo na kailangan pang lumayo. May pagkakataon kasing naririyan lamang sila sa’yong paligid. Maaaring nasa bakuran mo o kaya naman ay nasa loob mismo ng iyong bahay. Sa Pinoy Pamahiin: Lamang-lupa ay magagawa kitang bigyan ng babala kaya huwag na huwag mo itong iisnabing basahin. Una, magsabi ng ‘tabi-tabi po’. Kahit na nasa sarili mo ikaw na lugar, huwag ka pa ring maging kampanteng dahil pagsapit ng dilim, hindi na lang ikaw ang naglalakad sa inyong bakuran. Kaya, importanteng m...

Kalayaan nga ba ang solusyon?

Image
MAGING malaya. 'Yan ang ibig ng bawat tao na nakakaranas ng kahigpitan ng ibang tao partikular na ang mga anak at empleyado. Idagdag na rin natin ang mga nilalang na nababalot sa karimlan at kalungkutan. Bawat isa sa atin ay may mga pinagdaraanan, nasa sa'yo na kung nais mong magpatuloy at huminto para sabihing tama na, gusto ko na lumaya. Ang mga tao na ito ay kalimitang nagpapakamatay dahil pakiramdam nila ay wala na talagang solusyon sa problemang kanilang kinasasadlakan. Kaya, ang mga nagmamahal sa kanila ay wala ng magawa kundi iyakan ang desisyon nilang iyon. Ako naman hindi ko naisipan ang magpakamatay, ang ibig ko lang nu'n ay makalaya sa kahigpitan ng parents ko. Para kasing napakasarap na umuwi ng hating gabi kasama ang kabarkada o boyfriend. Hayun, tuloy lumobo ang tiyan ko at sa huli, sa parents ko rin ako tumakbo. Nu'n kasing panahon na iyon ay wala pa akong trabaho at kung mayroon man, parang hindi pa rin akong ready maging ilaw ng tahanan. Mistulan ...

SAN MIGUEL BEERMEN VS MAGNOLIA HOTSHOTS

Image
Ni NOLI C. LIWANAG   MAHABA-HABA ang naging pahinga ng San Miguel Beermen matapos talunin ang Phoenix Pulse Fuel Masters sa best of seven semifinals series ng PBA Philippine Cup noong Abril 25, sa Cuneta  Astrodome, Pasay City. BEERMEN vs FUEL MASTERS: Beterano at subok na sa championship experience ang ginamit na sandata ng San Miguel Beermen upang makapasok sa ika-limang sunod na pagkakataon sa finals ng PBA Philippine Cup. Nanalo ng Beermen kontra Phoenix Fuel Masters, 105-94. Nagtapos ang serye sa Game 5, 4-1 na ginanap sa Cuneta Astrodome, Pasay City. (LEO D. LACA) Hindi napigil ang Beermen para makapasok sa finals ng Philippine Cup matapos talunin ang Fuel Masters, 105-94. Ito ang pang-limang sunod na pag-abante ng San Miguel sa finals ng makuha ang 4-1 sa serye ng semifinals. Sinabi ni San Miguel coach Leo Austria na mahalaga ang kanilang panalo at hindi siya binigo ng kaniyang mga manlalaro. Nanguna sa panalo si Chris Ross na nagtala ng 24 points habang mayr...

PBA Philippine Cup semifinals Game 3: PHOENIX PULSE WAGI SA SAN MIGUEL

Image
Ni NOLI C. LIWANAG   NATAPOS na ang five-day break ng Philippine Basketball Association (PBA) dahil sa paggunita sa Mahal na Araw kung saan sa mismong gabi ng Easter Sunday ay nagpatuloy ang  Phoenix Pulse Fuel Masters at San Miguel Beermen sa Philippine Cup semifinals duel. Matinding arangkada ang ginawa ng nagkakaisang Phoenix Pulse Fuel Masters na nakakuha na ng isang panalo sa defending champion San Miguel Beermen sa pagpapatuloy ng PBA Philippine Cup na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Abril 21. (Mga larawan ni MAX FERRER) Lumilipad pa ang Phoenix Pulse sa pagkakapanalo sa Game 3 semifinals series ng Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum noong Linggo, April 21. Nanalo ang Fuel Masters kontra Beermen sa score na 92-90. Nalusutan ng Phoenix Pulse ang matinding depensa ng San Miguel  para makuha ang unang panalo kung saan naging bida si Matthew Wright ng basagin nito ang 86-86 para maitala 1-2 sa best of seven semifinals na lamang pa ang Beermen. Kapw...

PCAARRD, WESVAARRDEC FIESTA, TAGUMPAY!

Ni NOLI C. LIWANAG   KILALA ang lalawigan ng Capiz bilang “Seafood Capital of the Philippines,” at ang Roxas City ay Cleanest and Greenest Component City in Western Visayas Award sa Gawad Pangulo sa Kapaligiran (GPK) Cleanliness and Environmental contest. Dahil country’s seafood capital, natatagpuan dito ang iba’t ibang uri ng mga isda, crabs, shrimps, prawns, squids, oysters at iba pang pagkaing dagat. Kilala rin ang Capiz na may magagandang pasyalan o tourist destination tulad ng Baybay Beach, Ang Panubli-on Roxas City Museum,  Sacred Heart of Jesus Shrine Pueblo De Panay (Holy Trinity Divine Healing Ministry), Palina Greenbelt Ecopark, Santa Monica Parish Church (Panay Church), at People's Park. Bukod dito, sa pagpapatuloy ng taunang FIESTA o Farm-Industry Encounters through the Science and Technology Agenda na ginaganap sa bawat consortia ng PCAARRD sa buong bansa.  Maringal ang DOST-PCAARRD-WESVAARRDEC FIESTA (Farm-Industry Encounters through the Science and Tec...

Punta na sa Baler, Aurora sa Abril 25-26, 2019: GOAT FIESTA & 2nd MEAT FESTIVAL, GAGANAPIN

Image
Ni NOLI C. LIWANAG FIESTA na namang muli! Makisaya sa pagdiriwang ng Central Luzon Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development Consortium (CLAARRDEC) Goat FIESTA (Farms and Industry Encounters through the Science and Technology Agenda) and 2nd Meat Festival! na gaganapin sa Abril 25-26, 2019 sa Provincial Capitol Grounds, Barangay Suklayin, Baler, Aurora. FIESTA na namang muli! Tara nang makisaya sa Goat FIESTA & 2nd Meat Festival! Sa pamamagitan ng Department of Science and Technology-Philippine Council for Agriculture, Aquatic, and Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARRD), naisasakatuparan sa bawat consortia ng PCAARRD sa buong bansa ang kakaibang selebrasyon ng FIESTA. Sa pagkakataong ito, ang CLAARRDEC ay darayo sa tinaguriang “The Birthplace of Philippine Surfing” at ibibida ang Goat FIESTA. Kapana-panabik na matutunghayan sa okasyon ang Goat Products Exhibit, Goat Pen Competition, Technology Pitching, Goat Show, Meat Processing C...