Posts

Showing posts from March, 2019

FIESTA: Oyster mushroom, sea cucumber ibinida ng ILAARRDEC

Image
Ni NOLI C.LIWANAG   TAGUMPAY na ginanap sa University of Northern Philippines (UNP), Vigan City, Ilocos Sur noong Marso 13 hanggang 15, 2019 ang Uong-Balat (Oyster Mushroom and Sea Cucumber) FIESTA o Farm-Industry Encounters through the Science and Technology Agenda ng Department of Science and Technology-Philippine Council for Agriculture, Aquatic, and Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARRD) na pinamahalaan ng  Ilocos Agriculture and Aquatic Resources Research and Development Consortium (ILAARRDEC). Ang 3-araw na okasyon ay may temang “Agri-aqua industry for sustainable growth and collective prosperity,” kung saan sa unang araw ng pagdiriwang ay ginanap ang motorcade, book launching “Success Stories of Farmer Cooperators ni ILAARRDEC knowledge management coordinator Prof. Love Grace  dC. Campano, kasunod ang ribbon cutting para sa mga exhibits. Ginanap din ang Creative Dance Showdown, Cookfest at Pottery Painting. Kilala ang Ilocos Region (Region 1) sa m

PBA Philippine Cup; Smart Araneta Coliseum

Image
1st Game: NLEX Road Warriors 122 - 101 BLACKWATER Elite Best player of the game was Philip Paniamogan with 25 points, 3 rebounds and 9 assists.  The win improved NLEX to standing to 4 wins and 5 losses and practically eliminated Blackwater after absorbing its eight loss as against only two victories.

Angeles gov’t recognizes loyal employees

Image
ANGELES CITY-  Mayor Edgardo Pamintuan and Vice Mayor Bryan Matthew Nepomuceno led the recognition of  192 loyalty service awardees during a ceremony held Monday at the Angeles City Legislative Hall. The program aims to give appreciation and recognition to the longest-serving employees of the local government for their unceasing services to the city and its people. The awardees were divided into three categories depending on the number of years that they served in the city.   LOYALTY AWARDEES . Angeles City Mayor Edgardo Pamintuan and Vice Mayor Bryan Matthew Nepomuceno pose with 192 loyalty service awardees of the city government during their conferment rites held Monday at the City Hall.  Also present during the ceremony are City HRM Officer Rowena Yambao, City Administrator Dennis Albert Pamintuan, Councilors Joseph “PG” Ponce and Carmelo Lazatin Jr, and AGENDA President Aiza Santos. (AC-CIO) These categories are bronze, silver and gold awardees. Bronze awardees are t

Progeny Hope ang solusyon sa mag-asawang hindi magkaanak

Image
Ang pag-aasawa ay hindi laging happy ending, may pagkakataon talaga na sinusubok ang kanilang pagsasama. Sabihin man na abot langit ang kanilang pagmamahalan, may tendensiya pa rin na magkakalamat ang kanilang relasyon lalo na kung hindi sila makabuo ng anak. Para kasi sa magka-partner, ito ang pundasyon ng kanilang pagmamahalan o bigkis ng kanilang ugnayan. Kaya't talagang napakalaking pagsubok sa kanilang relasyon kung malalaman nilang hindi sila maaaring magkaanak. Gayunpaman, lahat naman ng suliranin ay mayroong solusyon at ito ay ang pag-aampon . Ang tanong nga lang, kaya mo bang magmahal ng anak na hindi naman galing sa'yo? Madaling magsabi ng 'yes' pero, makakaya mo ba talaga itong panindigan? Kaya, kung gugustuhin mo talagang mag-ampon, kailangan mong pag-isipang mabuti. Hindi mo siya dapat gamitin lang para maging maayos ang pagsasama ninyong mag-asawa. Nararapat lamang na siya ay iyong aalagaan ang talagang pakakamamahalin. Kung talagang nais mong magk

Pinoy Horoscope Marso 25 2019

Image
PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON Marso 25 201 9 ,  Lunes –  Mag-ingat ka sa peke dahil may taong magpapanggap na mahal ka pero ang totoo, may masamang layunin sa’yo .  Masuwerte ka sa kulay black. Mapalad ka sa mga numerong  1, 2, 13, 15, 17, 21, 29. ARIES  (Marso 21 – April 19) -  Lahat ng suliranin ay makukuha sa dasal. Kaya manalangin ng todo kung gusto mong maging happy. Masuwerteng kulay sky blue. Mapalad na numero 2, 9, 17, 23, 26, 28. TAURUS  (April 20 – Mayo 20)   - Marami kang pagpipilian kaya isipin mong mabuti kung ano ang gusto mo. Huwag kang maging salawahan para ito’y hindi mo makasanayan. Masuwerte ka sa kulay peach. Mapalad ka sa mga numerong  3, 15, 18, 20, 23, 24. GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)   - Kung ano ang ibinigay sa’yo, tanggapin mo. Iyon lang ang paraan para ikaw ay maging masaya. Masuwerte ka sa kulay puti. Mapalad ka sa mga numerong 13, 14, 15, 20, 21, 23. CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)   - Kung nais mong makuha ang gusto mo, kunin mo. Determinasyon ang ka

Ang kalokohan ko nang bata ako

Image
Nu'ng bata ako, pangarap kong maging miyembro ng Mask Man kaya naman ginusto kong kayahin 'yung ginagawa nila. Siyempre, ang pagtalon sa matataas na lugar. Nagawa kong talunin ang bakot namin kaya gusto ko sanang sunod na tumalon sa bubong. Nang makaakyat ako sa bubong, ready ko na sanang subukan kaso nakita ako ng kuya ko. Ayun, hindi rin natuloy ang balak ko. Naku, kung sinubukan kong gawin iyon, malamang nasa ilalim na ako ng lupa. Gaya nu'ng minsan tularan ko ang batang star margarine na tumakbo sa kalsada. Hindi ko napansin na mayroon parang kotseng parating. Mabuti na lang nakapag-preno siya. Kung hindi, malamang nabanga ako, tumalsik sa kalsada na duguan. Ngunit, hindi iyon nangyari. Kaya lang, sumakit ang ulo ko sa kakasabunot sa akin ni Ate na hindi ko malaman kung natutuwa, nagagalit o nag-aalala. Siguro nga ay sabay-sabay niya iyong naramdaman. Bunso ako sa apat na magkakapatid kaya naman wala na akong kalaro. Ngunit, sabi nga, may paraan naman ang lahat ng

Tips para hindi ma-brokenhearted

Image
Masakit ang mabigo sa pag-ibig, ngunit hindi lamang iilan ang nakakaranas nito, kundi bilyon-bilyon. Saan ka man naroroong panig ng mundo, anuman ang hitsura at katayuan mo sa buhay, hindi ka makakaligtas sa kasawian. Mistulang paminta na dinidikdik ang puso mo ng almires kapag para kang basahang iniwan ng  taong mahal na mahal mo. Ikaw, nais mo rin bang maranasan ang mabigo? Kung sasabihin mong ayoko, may ilang tips akong ibibigay sa'yo para maiwasan mong ma-brokenhearted. Una, makinig ka sa mga magulang mo . Huwag mo susuwayin ang mga magulang mo kapag sinabi nilang bawal ka pang makipag-boyfriend. Hindi naman ibig sabihin nu'n ay gusto nilang hadlangan ang iyong kaligayahan. Maaari kasing masyado ka pang bata kaya ayaw pa nila na makipagrelasyon ka. Kung paiiralin mo kasi palagi ang iyong emosyon,baka lumobo ang tiyan mo ng wala sa oras. Pangalawa, kilalanin mo ang taong mamahalin mo . Hindi porke siya ay maganda o guwapo, mabuti na siyang tao. Importante rin siyem

Alamin ang dahilan ng patuloy na pagsikat ni Vice Ganda

Image
Bago ko pa man nagustuhan si Vice Ganda bilang host at komedyante, napag-alaman ko na iisang eskuwelahan lang ang aming pinaggalingan. Kapwa kami nagtapos sa Borrio Obrero Elementary School. Kahit na hindi kami nag-abot dahil ahead siya sa akin ng ilang taon, nakatutuwa pa ring isipin na iisang paaralan lang kami nu'ng aming kabataan. Para kasing sinasabi nito na kahit na  maaaring magbago ang katayuan mo sa buhay kung magiging masikap at matiyaga ka lamang at iyon ang ginawa ni Vice Ganda o Jose Marie Viceral sa tunay na buhay. Bukod doon, kailangan mo ring lumingon sa iyong pinangalingan. Sa kahit na anong pagkakataon ay never na ikinahiya ni Vice ang kanyang pinangalingan. Tuwina, proud na proud pa siya kapag sinasabi niyang siya ay taga-Tambunting, nagtapos ng elementarya sa BOES at highschool sa Calderon. Nang mag-kolehiyo siya ay doon din sa eskuwelahang aking pinangalingan - sa Far Eastern University, kung saan naging Dean ang aking ama. Malaki ang paniniwala ko na kay

Pinoy Horoscope Marso 24 2019

Image
PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON  Marso 24  201 9 ,  Linggo –  Huwag umasa palagi sa tulong ng iba. Tulungan mo rin ang iyong sarili. Masuwerte ka sa kulay asul. Mapalad ka sa mga numerong 4, 12, 14, 16, 18, 23, 25. ARIES  (Marso 21 – April 19) -  Mahalin mo ang mga taong nagmamahal sa’yo. Huwag na huwag mo sasaktan ang kanilang kalooban. Masuwerteng kulay itim. Mapalad na numero 3, 8, 15, 24, 25, 28. TAURUS  (April 20 – Mayo 20)   - Ikaw lang ang makapagdedesisyon ng dapat mong gawin. Mag-isip kang mabuti at pagkatiwalaan ang iyong sarili. Huwag makikinig sa pambubuyo ng iba. Masuwerte ka sa kulay violet. Mapalad ka sa mga numerong  13, 14, 15, 20, 21, 22. GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)   - suwerte ka dahil kahit matanda ka na, hindi ka pa iniiwanan ng anghel dela guwardiya mo. Lagi ka tuloy nakakaligtas sa kapahamakan. Maging maligaya sa pagpili ng mamahalin. . Masuwerte ka sa kulay puti. Mapalad ka sa mga numerong 11, 14, 17, 20, 21, 29. CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)   - Huwag m