Posts

Showing posts from April, 2019

SAN MIGUEL BEERMEN VS MAGNOLIA HOTSHOTS

Image
Ni NOLI C. LIWANAG   MAHABA-HABA ang naging pahinga ng San Miguel Beermen matapos talunin ang Phoenix Pulse Fuel Masters sa best of seven semifinals series ng PBA Philippine Cup noong Abril 25, sa Cuneta  Astrodome, Pasay City. BEERMEN vs FUEL MASTERS: Beterano at subok na sa championship experience ang ginamit na sandata ng San Miguel Beermen upang makapasok sa ika-limang sunod na pagkakataon sa finals ng PBA Philippine Cup. Nanalo ng Beermen kontra Phoenix Fuel Masters, 105-94. Nagtapos ang serye sa Game 5, 4-1 na ginanap sa Cuneta Astrodome, Pasay City. (LEO D. LACA) Hindi napigil ang Beermen para makapasok sa finals ng Philippine Cup matapos talunin ang Fuel Masters, 105-94. Ito ang pang-limang sunod na pag-abante ng San Miguel sa finals ng makuha ang 4-1 sa serye ng semifinals. Sinabi ni San Miguel coach Leo Austria na mahalaga ang kanilang panalo at hindi siya binigo ng kaniyang mga manlalaro. Nanguna sa panalo si Chris Ross na nagtala ng 24 points habang mayr...

PBA Philippine Cup semifinals Game 3: PHOENIX PULSE WAGI SA SAN MIGUEL

Image
Ni NOLI C. LIWANAG   NATAPOS na ang five-day break ng Philippine Basketball Association (PBA) dahil sa paggunita sa Mahal na Araw kung saan sa mismong gabi ng Easter Sunday ay nagpatuloy ang  Phoenix Pulse Fuel Masters at San Miguel Beermen sa Philippine Cup semifinals duel. Matinding arangkada ang ginawa ng nagkakaisang Phoenix Pulse Fuel Masters na nakakuha na ng isang panalo sa defending champion San Miguel Beermen sa pagpapatuloy ng PBA Philippine Cup na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Abril 21. (Mga larawan ni MAX FERRER) Lumilipad pa ang Phoenix Pulse sa pagkakapanalo sa Game 3 semifinals series ng Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum noong Linggo, April 21. Nanalo ang Fuel Masters kontra Beermen sa score na 92-90. Nalusutan ng Phoenix Pulse ang matinding depensa ng San Miguel  para makuha ang unang panalo kung saan naging bida si Matthew Wright ng basagin nito ang 86-86 para maitala 1-2 sa best of seven semifinals na lamang pa ang Beermen. Kapw...

PCAARRD, WESVAARRDEC FIESTA, TAGUMPAY!

Ni NOLI C. LIWANAG   KILALA ang lalawigan ng Capiz bilang “Seafood Capital of the Philippines,” at ang Roxas City ay Cleanest and Greenest Component City in Western Visayas Award sa Gawad Pangulo sa Kapaligiran (GPK) Cleanliness and Environmental contest. Dahil country’s seafood capital, natatagpuan dito ang iba’t ibang uri ng mga isda, crabs, shrimps, prawns, squids, oysters at iba pang pagkaing dagat. Kilala rin ang Capiz na may magagandang pasyalan o tourist destination tulad ng Baybay Beach, Ang Panubli-on Roxas City Museum,  Sacred Heart of Jesus Shrine Pueblo De Panay (Holy Trinity Divine Healing Ministry), Palina Greenbelt Ecopark, Santa Monica Parish Church (Panay Church), at People's Park. Bukod dito, sa pagpapatuloy ng taunang FIESTA o Farm-Industry Encounters through the Science and Technology Agenda na ginaganap sa bawat consortia ng PCAARRD sa buong bansa.  Maringal ang DOST-PCAARRD-WESVAARRDEC FIESTA (Farm-Industry Encounters through the Science and Tec...

Punta na sa Baler, Aurora sa Abril 25-26, 2019: GOAT FIESTA & 2nd MEAT FESTIVAL, GAGANAPIN

Image
Ni NOLI C. LIWANAG FIESTA na namang muli! Makisaya sa pagdiriwang ng Central Luzon Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development Consortium (CLAARRDEC) Goat FIESTA (Farms and Industry Encounters through the Science and Technology Agenda) and 2nd Meat Festival! na gaganapin sa Abril 25-26, 2019 sa Provincial Capitol Grounds, Barangay Suklayin, Baler, Aurora. FIESTA na namang muli! Tara nang makisaya sa Goat FIESTA & 2nd Meat Festival! Sa pamamagitan ng Department of Science and Technology-Philippine Council for Agriculture, Aquatic, and Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARRD), naisasakatuparan sa bawat consortia ng PCAARRD sa buong bansa ang kakaibang selebrasyon ng FIESTA. Sa pagkakataong ito, ang CLAARRDEC ay darayo sa tinaguriang “The Birthplace of Philippine Surfing” at ibibida ang Goat FIESTA. Kapana-panabik na matutunghayan sa okasyon ang Goat Products Exhibit, Goat Pen Competition, Technology Pitching, Goat Show, Meat Processing C...

Nguyen, Pacio kampeon sa ONE: Roots of Honor

Image
Ni NOLI C. LIWANAG NADEPENSAHAN ni ONE Featherweight World Champion Martin “The Situ-Asian” Nguyen ng Vietnam/Australia ang kanyang korona laban kay former titleholder Narantungalag “Tungaa” Jadambaa ng Mongolia. ONE Featherweight World Champion Martin “The Situ-Asian” Nguyen (Photo by ONE Championship) Sa pamamagitan ng KO/TKO sa round 2 panalo si Nguyen kontra kay Jadambaa. Sobrang galak ang mga madlang pipol na nanood sa MOA Arena dahil sa pagkakabawi ng korona ni Joshua “The Passion” Pacio sa pamamagitan ng knockout kontra kay ONE Strawweight World Champion Yosuke “The Ninja” Saruta ng Japan sa ONE: Roots of Honor na ginanap noong Abril 22, 2019, sa SM MOA Arena, Pasay City. ONE Strawweight World Champion Joshua “The Passion” Pacio  (Photo by ONE Championship) Sa round four, 2:43(min./sec.) nakuhang muli ni Pacio ang ONE Strawweight World Championship belt. Wagi rin sa pamamagitan ng TKO sa 2:51 ng Round 2 si Edward Kelly kontra kay Sung Jong Lee sa mixed marti...

Pinatunayan ang galing: Enchong Dee, ikatlong milyonaryo ng Minute to Win It

Image
Huli man at magaling, nagwawagi pa rin. Ito ang pinatunayan ni Enchone Dee ng mapagwagian niya ang isang milyon sa programa ni Luis Manzano na Minute to Win It . Kahit kasi nu'ng mga nakaraang araw ay natatalo siya, sa huling araw ng pagkuha ng Last Man Standing ay nagwagi siya kaya naman nagawa siyang makapasok para maglaban sa Ultimate Last Man Standing . Sa huling araw na ito ay pinatunayan niya ang kanyang galing kaya lahat ng pagsubok ay kanyang nalampasan. Sinabi rin niya na kaya niya nagawang matapos ang bawat game ay dahil humingi siya ng tulong kay Lord. Ang larong Don't blow the Joker ay isa sa pinakamahirap na laro, ayon na rin sa host na si Luis. Ngunit, nagawa pa rin itong mapagtagumpayan ni Enchong kahit iilang segundo na lamang ang natitira sa kanya. Sa season na ito, si Enchong Dee ang naging ikatlong Milyonaryo sa Minute to Win It , kaya naman talagang nakakatuwang paroorin ang kanyang pagkapanalo. Kaya, panoorin po ninyo ito.  https://www.youtube.c...

Dahilan kaya nag-aaway ang mga tao, alamin!

Image
Kulang sa komunikasyon - ito ang tunay na dahilan kaya maraming tao ang nag-aaway. Kabilang na rito ang mag-asawa, magkakapamilya, magkakaibigan o kahit sino pa man. Kung hindi kayo magkakaroon ng pagkakaunawaan, siguradong ang punta ninyo ay sa pagkakasira. Kapag ang mag-asawa ay masyadong abala sa kani-kanilang trabaho, nawawalan na sila ng oras sa isa't-isa, hindi na nila nagagawang makapagkuwentuhan. Kaya naman ang susunod na nangyayari,  magkakalayo ang kanilang loob dahil hindi na nila alam kung ano ang iniisip at nararamdaman ng isa't isa. Sabihin man na wala silang pinag-awayan, makakaramdam pa rin sila ng negativity kapag hindi sila nag-uusap. Kaya, anuman ang nararamdaman ni mister o misis, kailangan naman ay alam ng isa't isa. Dahil kung hindi nila alam ang pinagdaraanan ng bawat isa, baka ang isipin nila ay nawawalan ng gana sa kanila ang kanilang kapareha. Kung ikaw ay mayroong asawa, kung nakikita mong nananahimik siya, huwag ka munang magdamdam. Hindi m...

Progeny Hope ang sagot sa paghihirap kapag 'di magkaanak

Image
May pag-asa ka na! Ito ang maring sasabihin sa inyo ng Progeny Hope kapag lumapit kayong mag-asawa sa kanila at sabihin mong hindi kayo magkaanak. Hindi man nila magagawang bigyan ka na anak na nagmula sa'yo, matutulungan ka naman nilang nagkaroon ng anak. Huwag ka na magpatumpik-tumpik pa. Alamin mo na kung paano magkakaroon ng katuparan ang matagal mo ng pinapangarap.

PCAARRD, WESVAARRDEC FIESTA 2019 on April 8-10 at CAPSU

Image
THE Western Visayas Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development Consortium (WESVAARRDEC) will conduct its DOST PCAARRD – WESVAARRDEC FIESTA 2019 (Farms and Industry Encounters through the S & T Agenda) with the theme “Iririmaw sa Pagtukib kag Pag –Uswag” (Convergence in Research and Development) on April 8 – 10, 2019 at Capiz State University, Roxas City, Capiz. This 3 – day event will highlight the collective and individual R&D innovations on the banner commodities, Darag Native Chicken, Mango, Muscovado Sugar and Bamboo, and in the Aquatic sector, green mussels will be featured through technology transfer and commercialization. Also, this event includes exhibits and bazaar, techno fora and technology pitching and commodity – based contests. With this, the Consortium is glad to invite participants to join the following contests: a.) Cooking Contest (Students’ Category) – 5 Slots left; b.) Cooking Contest (Chef’s Category) – 9 Slots left; c.) Poster Mak...

Alamin ang mga kabutihang dulot ng pag-aampon

Image
Ang pag-ibig ay hindi lamang nagtatapos sa kasal kaya't hindi ka pa rin makakasiguro kung kayo nga ba ay magkakaroon ng happy ending. Katunayan nga, iyon pa lang ang simula ng katakut-takot na pagsubok na darating sa inyong buhay. Sa pagsasama niyo kasing iyon ninyo malalaman ang tunay na ugali ng isa't isa. Doon din ninyo makikita ang kahinaan ng bawat isa na makakapagpa-turn off sa inyo. Ang goal talaga ng mag-asawa ay makabuo ng pamilya. Magkaroon ng anak. Kaya nga lang, hindi naman lahat ng magustuhan natin ay mangyayari. May pagkakataon na hindi ibinibigay sa atin ang mga bagay na gustung-gusto natin. Hindi dahil sa nais tayong pahirapan ni Lord kundi dahil may iba siyang plano at iyon ay maaari ang ang pag-aampon. Sa mata ng marami, kalokohan lamang ang pag-aampon. Ang agad kasi nilang iisipin, bakit kailangang mag-alaga at magmahal ng hindi kadugo. Tama naman sila pero bago mo sila pakinggan, kailangan mo ring isipin ang kabutihang idudulot ng pag-aampon . Una, p...

Kingad wagi sa ONE: A New Era

Image
Ni NOLI C. LIWANAG PANALO sa ONE Flyweight World Grand Prix si Danny “The King” Kingad ng Team Lakay kontra kay Senzo Ikeda ng Japan sa pamamagitan ng Unanimous Decision (R3) sa inaugural fight sa Japan na ONE: A New Era na ginanap sa Ryogoku Kokugikan, Tokyo, kamakailan. Dahil sa panalo, advance sa semifinals ng ONE Flyweight World Grand Prix si The King kung saan makakalaban ni Kingad si former ONE flyweight world champion Kairat Akhmetov ng Kazakhstan na nanalo laban kay Reece McLaren ng Australia. Si Kingad ay may record na 13-1 sa kanyang professional career. Resulat ng ONE New Era fights: Danny Kingad is moving on to the ONE Flyweight Grand Prix semifinals. Photo courtesy of ONE Championship LIGHTWEIGHT WORLD CHAMPIONSHIP: Shinya Aoki (Japan) with by Submission (R1) vs Eduard Folayang (Philippines). WOMEN'S STRAWWEIGHT WORLD CHAMPIONSHIP: Xiong Jing Nan (China) win by KO/TKO (R5) vs Angela Lee (Singapore) MIDDLEWEIGHT WORLD CHAMPIONSHIP: Aung lan Sang (Myanmar) win by KTO v...